Bakit Lazar?

  • Ang Kapangyarihan ng Karanasan Ginagawa na namin ito sa loob ng 3 dekada at mayroon kaming mahigit 1,000 nasisiyahang kliyente na kasama namin sa aming matibay na dedikasyon ng propesyonalismo at pampersonal na serbisyo.
  • Ang Mga Tao Maingat naming pinipili ang aming mga propesyonal na bihasa sa wika na umaanib sa Team ng Lazar. Pinagsama-sama ng aming team ng mga bihasa sa wika ang kanilang karanasan, kahusayan, at kamalayan sa kultura sa inyong mga proyekto sa bawat araw.
  • Dedikasyon sa Kalidad Sa aming ISO 17100:2015 Certification, laging nagsisikap ang Lazar sa pagbibigay ng tumpak, at walang mali na mga salin at bawat proyekto ay dumadaan sa aming prosesong Lazar Quality Assurance bago namin ihatid sa aming mga kliyente.

Ang Aming Team

  • Lisa Lazar President/CEO
  • Sara Johnson Chief Operations Officer
  • Frank Gallegos Contracts & Proposals
  • Mel Menendez Business Development
  • Bryant Johnson Vendor Manager
  • Gene Groisman DTP Specialist
  • Shirley Munoz Lead Spanish Linguist
  • Amanda Csiszar Project Manager

Isang Mensahe Mula sa Aming Tagapagtatag

“Sinimulan ko ang kumpanyang ito na nangangarap ng isang mundong nabubuklod ng iisang layunin at nagkakaisa dahil sa pagkakaunawaan. Noong panahong iyon, habang ang daigdig ay nasa gitna ng Cold War at nababahagi dahil sa lahi at ideolohiya, para bang ang isa sa mga malayong tinatanaw na iyon ay nabaun na sa isang pahayag na misyon at nginingisian ng “mga realista”. Ngayon, para bang napakaliit na ng mundo at karaniwan nalang ang komunikasyon sa pagitan ng mga bansa at kultura. Ginugol ko ang buhay ko sa paglalakbay sa buong mundo at pakikipagtalastasan sa mga taong iba kaysa sa ako noon. Natutuwa ako kapag nakakarinig ako ng isang wika na hindi ko pa narinig o kapag may nalaman akong paraan ng pamumuhay na hindi ko lubos maisip kung paano noong isang batang babae pa lamang ako na nasa Depression Era Pennsylvania.”

Ipinagmamalaki ni Elaine kung gaano natutulungan ng kanyang kumpanya ang mga negosyo at mga ahensya ng pamahalaan na maabot at makausap ang mundong ito na mahal na mahal niya. Sa ngalan ni Elaine, gusto namin kayong pasalamatan sa pagpili ninyo sa Lazar Translating & Interpreting at salamat dahil sa inyo, nagkatotoo ang kanyang pangarap ng isang nagkakaisang mundo sa pamamagitan ng wika.

Elaine Lazar (1931-2017)

Makipag-usap Sa Buong Mundo!

Lampasan ang mga limitasyon sa wika at palawakin ang iyong mga hangganan. I-click ito para makipagtalastasan nang may kumpyansa.

Libreng Quote